Mag-utol patay, paslit kritikal sa pananambang

Mag-utol patay, paslit kritikal sa pananambang

March 14, 2023 @ 9:07 AM 1 week ago


MAGUINDANAO- Patay ang magkapatid na lalaki habang kritikal ang 5-anyos na batang babae matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, iniulat kaninang umaga sa bayan ng Sultan Kudarat.

Kinilala ang mga nasawi na sina Tato Mangilay Datupeno, 31, magsasaka, kapatid na si Nelson Mangilay Datupeno at anak ng isa sa mga nasawi na si Jasmin Datupeno, lahat ay residente ng Brgy. Buaya-buaya, Kalanganan 2, Cotabato City.

Batay sa report ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, dakong alas-4:50 ng hapon nang maganap ang krimen sa bahagi ng Crossing Simuay, Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ang mga biktimang mini-van na may plate number na MAN-4776, at binabaybay ang nasabing lugar patugong Cotabato City.

Hindi namalayan ng mga biktima na sinundan sila ng mga suspek sakay ng isang puting Toyota Hilux at pagdikit sa mga ito ay malapitang pinagbabaril ang kanilang sasakyan.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Cotabato City.

Isinugod naman sa ospital ang magkapatid at bata subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na hininga ang dalawa habang patuloy na inoobserbaha si Jasmin.

Kwento ng mga kaanak, galing ang mga biktima sa isang Kalilang o Kasal at pauwi na sana sa kanilang bahay.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng basyo ng

ng kalibre.45 na pistola at M16 Armalite rifles na hinihinalang ginamit sa pamamaslang

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa krimen o kung may kinalaman sa rido o away-pamilya. Mary Anne Sapico