Mag-utol, tiyahin timbog sa P689K shabu sa QC

Mag-utol, tiyahin timbog sa P689K shabu sa QC

April 7, 2022 @ 3:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang magkapatid na lalaki kabilang na ang tiyahin nito matapos na kumagat sa buy-bust operation sa Cubao kagabi.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Remus Medina ang mga naaresto na sina Saidamen  Osoph, 21-anyos; Sailanie  Osoph, 19-anyos, kapwa residente ng Globo de Oro St., Quiapo, Maynila at ang kanilang tiyahin na si Jara Eko Naser, alyas “Tata/ Mukhair”, 35-anyos na taga-Sta. Mesa, Maynila.

Base sa ulat, pasado alas-10:00 ng kagabi nang isagawa ng mga kapulisan ang drug operation sa Seattle St., Brgy Kaunlaran.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa tatlo ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000, buy-bust money, iba’t- ibang Identification Card at mga dokumento.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz