Mag-utol utas sa parking boy

Mag-utol utas sa parking boy

July 14, 2022 @ 2:52 PM 4 weeks ago


CAGAYAN DE ORO CITY – Utas ang magkapatid matapos pagsasaksakin ng parking boy na nakaalitan sa inuman Martes sa Macanhan, Cagayan de Oro City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Barry Lendon Abecia, 28, at kapatid na si Apple John Abecia, 31, kapwa residente sa Zone-9 creekside, Macanhan, Cagayan de Oro City.

Nadakip naman sa ginawang follow-up operation ang suspek na kinilalang si Bert Alcansado Jr., 30, at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Batay sa report ng Carmen Police Station, dakong 12:05 PM naganap ang krimen sa naturang lugar.

Ayon kay Major Mario Mantala Jr., hepe ng Carmen Police Station, bago ang krimen nag-iinuman ang suspek at biktimang si Apply John ng bigla na lamang nagkaroon ng pagtatalo.

Kwento ng mga nakasaksi sa pangyayari nauwi sa mainitang pagtatalo ang inuman ng suspek at ng matandang Abecia hanggang sa kumuha ng patalim si Alcansado Jr, at pinagsasaksak si John Apple na tinamaan sa kili-kili at tumagos sa dibdib.

Dumating naman si Barry para sana tulungan ang kanyang kuya pero maging siya ay sinaksak sa dibdib ska mabilis na tumakas ang suspek.

Dinala naman sa ospital ang magkapatid na Abecia subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ang mga ito ng hininga.

Agad naman nagsagawa na follow-up operation ang Police Station 4 Intel Operatives na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong double murder. Mary Anne Sapico