Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Malakanyang ang magagandang proyektong pang imprastraktura na pinasok nito katulong ang China.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, positibo sa ekonomiya ng bansa o ang tinatawag na economically viable ang mga proyekto ng gobyerno na may tulong ng China.
Tinukoy ng Kalihim ang irrigation project sa northen luzon na seserbisyuhan ng chico river.
Aniya, kailangan ngayon ng bagong source ng tubig para sa mga agricultural land sa Northen Luzon at ito ang magiging papel ng irrigation project na kanilang pinasok.
Kabilang din ang railway project na kokonekta nang mabilis sa Metro Manila at Bicol.
Ang mga ganitong proyekto aniya ay siguradong makapag aangat ng lagay ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi pa ng Kalihim na gusto lamang tumulong ng China sa Pilipinas sa paniniwalang ang isang mahusay at magandang lagay ng pilipinas ay mabuti rin sa buong Asya. (Kris Jose)