Magaling na singer, yumabang, dedma sa na dating mga friendship!

Magaling na singer, yumabang, dedma sa na dating mga friendship!

June 6, 2021 @ 10:27 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Sino itong singer/actres na unti-unti na raw nagbabago ang ugali simula nang sumikat?

Kung dati-rati raw ay sobrang bait nito sa kanyang mga nakakatrabaho nu’ng nagsisimula pa lang siya, ngayon daw ay dedma na ito at wa na pansin sa mga ito.

Minsan nga raw sa isang event, sinabihan ito ng kanyang alalay ng, “Ate nandyan si actor/singer na na link sa ‘yo noon, very close friend mo rin naman siya kaya sabi ko nandito ka rin, papunta raw siya rito.”

Sagot ni lady singer, “Bakit mo sinabi na nandito ako, alam mo naman na gusto kong mapag-isa dahil pagod ako.

“Pagdating niya, sabihin mo natutulog ako kasi puyat dahil sa dami nang trabaho, ayoko munang tumanggap ng bisita.”

Nagulat daw ang alalay nito dahil noong nagsisimula pa lang ito at kasikatan ni singer/actor ay pumayag itong ma-link sa kanya para mapagusapan.

Kaya naman nang dunating si singer/actor ay sinabihan na lang ng alalay na natutulog ito dahil puyat sa dami ng trabaho pero ang katotohanan ay nagsi-cellphone lang ito.

At kapag nagkikita ang mga ito sa mga events ay very cold na ang treatment ni lady singer sa singer/actor na parang umiiwas dahil ayaw na nitong ma-link sa actor dahil baka magamit pa raw siya!

Ang actor naman ay walang kaalam-alam at very sweet pa rin sa lady singer. Very proud din siya sa kasikatan ng kaibigan.

Sino si Lady singer?

Clue? Morena, galing sa singing competition, magaling na singer, may regulat show, may hit songs, may album, at nagko-concert ‘di lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. Rommel Placente