Magalong nagka-COVID ulit; sintomas, ‘very mild’ lang

Magalong nagka-COVID ulit; sintomas, ‘very mild’ lang

January 31, 2022 @ 2:52 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Muling nagpositibo sa COVID si Mayor Benjamin Magalong. batay sa ulat.

Sa ikalawang pagkakataon, sinabi ni Magalong na ngayon ay nakararanas siya ng ‘very mild’ na sintomas.

Lumabas aniya ang resulta ng kanyang swab test noong Sabado ng gabi.

Samantala, patuloy naman aniya ang kanyang trabaho habang naka-isolate.

Maaalalang buwan ng Abril nang magpositibo ito sa COVID at makaranas ng severe na sintomas. RNT/FGDC