Magalong sa Baguio tourists: ‘Sumunod pa rin sa COVID protocol’

Magalong sa Baguio tourists: ‘Sumunod pa rin sa COVID protocol’

December 23, 2022 @ 10:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dahil sa pagdami pa ng mga turista na nagpupunta sa lungsod ng Baguio, nagpaalala si Mayor Benjamin Magalong nitong Huwebes, Disyembre 22 na patuloy pa ring sundin ang umiiral na COVID-19 health protocol.

“We still have the pandemic so we still have to be conscious of our protocols –wearing of masks, especially in congested areas, indoors and at the same time, we want you to enjoy,” pahayag ni Magalong sa isang panayam.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa low-risk category ng COVID ang Baguio City sa kabila ng dagsa ng mga turista.

“We would like to remind our constituents, this will be a busy holiday season, especially since a lot of tourists will be in Baguio na gustong makita ang Baguio habang pinapaganda natin ang ating syudad,” ani Magalong.

Sa impormasyon ng city tourism office, mayroong naitatala na 25,000 hanggang 40,000 turista ang nagpupunta linggo-linggo na karamihan ay tuwing weekend.

“We’re creating a better Baguio so expect our tourists, the traffic, expect convergence in our malls, the market and also crowding,” pagbabahagi ni Magalong.

Kasabay nito ay ipinaalala din niya sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 ang mga pupuntang turista na hindi pa rin nakatatanggap nito upang maprotektahan ang sarili sa sakit. RNT/JGC