MAGANDANG BUHAY SA BAGONG TAON INAASAHAN

MAGANDANG BUHAY SA BAGONG TAON INAASAHAN

January 4, 2023 @ 11:20 AM 1 month ago


NUBENTA’Y singko porsyentong mga Pinoy ang nagsasabing magandang buhay ang darating ngayong 2023 batay sa pinakahuling resulta ng survey na inilabas ng Social Weather Station.

Bagaman 74 porsyento rito ang nangakong babaguhin ang personal na maling ugali lalo na ang unhealthy lifestyle na ugat naman ng iba’t-ibang uri ng sakit,  ngunit kaakibat din nito ang paniniwalang gaganda ang kasalukuyang hirap na kalagayan ng mga kababayan matapos ang halos tatlongtaon na pinabagsak ng pandemya.

Oo nga at unti-untinang bumabangon ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng klarado at makatotohanang polisiyang ipinatutupad ni Pangulong Bongbong Marcos na sadyang naging sangkalan sa hinay-hinay na pag-angat ng kalagayan ng nakararaming kababayan,  subalit nananawagan pa rin ang Pangulo ng tunay na pagkakaisa at bayanihan sapagkat ito ang tamang  solusyon upang makamit ng bawat isa ang inaasam-asam na pagbabago.

Patunay dito anginilabas ding resulta ng survey ng Gallup International Association kung saan pangatlo ang ‘Pinas na naniniwalang aangat ang ekonomiya ngayon taon bunsod sa mga programa ng kasalukuyang administrasyong pinakikinabangan ng higit nanakararaming mamamayan. Kabilang dito angpaghikayat ni PBBM sa mga dayuhang negosyanteng mag-invest sa bansa na inaasahang magbibigay ng ilang milyong trabaho sa mga kababayang pansamantalang nawalan ng pinagkakakitaan mula nang sumabog ang krisis sa bansa dulot ng pesteng COVID-19.

Kampante ang mga ekonomista sa mga dayuhang negosyanteng magpapasok ng malaking buwis sa kaban ng gobyerno ngayong taon na gagamitin naman upang maitayo ang mga dambuhalang INFRA at pondo para tugunan ang pangangailangan ng mahihirap na kababayang umaasa pa rin ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ngunit marapat namaunawaan pa rin ng taumbayan lalo na ang mga kritiko ng administrasyon na hindi kayang iangat ni PBBM ang kasalukuyang sadlak na kalagayan ng bansa sa isang iglap bunsod sa bago pa man siya umupo bilang Pangulo, ’andyan na ang samu’t saring suliraning minana lang  sa dating humahawak sa renda ng gobyerno. Ika nga sa ingles, ”Rome was not built in one day.”