Magandang Dilag ni Herlene, ipalalabas sa 2023!

Magandang Dilag ni Herlene, ipalalabas sa 2023!

October 8, 2022 @ 12:51 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Isang buwan ang inilaang pagsasanay ni Herlene Budol bago lumaban sa Miss Planet International sa darating na November 19 sa Uganda.

Which means na malamang niyang umpisahan ang taping ng teleseryeng pagbibidahan niya sa GMA.

Herlene leads the cast of Magandang Dilag, hango sa Star Records’ release na Beautiful Woman.

At presstime, wala pang napipisil na aawit ng kanta na ginamit sa pamagat.

But for sure, dalawa ang leading men dito ng kinoronahang first runner-up sa Binibining Pilipinas.

They are Benjamin Alves and Rob Gomez.

To play Herlene’s mother is Sandy Andolong, fresh from the resounding success of First Lady.

May participation din ang real-life husband nitong si Christopher de Leon, a quick followup sa matagumpay nitong exposure sa Lolong.

Kasama rin ang nagbabalik na veteran actress na si Chanda Romero.

Dahil beauty queen ang bida, sinahugan din ito ng beauty titlists na sina Maxine Medina na gaganap bilang kontrabida at Bianca Manalo, her first TV series on GMA.

Sa ilalim ito ng direksyon ni Jorron Monroy.

Because Herlene has to prepare for the international pageant, most likely ay sa 2023 na ang airing ng Magandang Dilag.

So goodbye na sa tawag na Hipon Girl…hello Magandang Dilag!

Kabog! Ronnie Carrasco III