MAGANDANG EPEKTO NG LIONISMO SA KABATAAN

MAGANDANG EPEKTO NG LIONISMO SA KABATAAN

November 7, 2022 @ 1:15 AM 4 weeks ago


WIKA nga ni Dr. Jose Ri-zal, “Nasa Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” kaya naman malimit akong mag-feature sa kolum ko ng mga kabataang mabuting ehemplo at inspirasyon sa kapwa nila kabataan.

“I have leadership skills because of the Lionism at a young age I was exposed sa Leo Club ng Lions Club with my parents I became the youngest President of the club at 13 years old at that time and became the top 1 Club sa district and now I’m the current First Vice District Leo President,” ayon kay lider-kabataang si Dan Kristian Basa Bico ng Batangas Crown Leos Club.

Si Leo Dan, 17, ay ipinanganak noong April 8, 2005 at bunso sa dalawa pa niyang kapatid na sina Danwein Kim Bico at Danniel Kyle.

Kasalukuyan siya ngayong Senior High School sa De La Salle University sa Lipa City, Batangas.
Bata pa lamang siya noon ay kasa-kasama na siya ng kanyang mga butihing magulang na sina Lion Dante Bico at Lion Wennie Basa Bico sa Lions Club at namulat siya sa kawanggawa at paglilingkod sa kapwa.

“We follow the 5 global causes that was gi-ven by the International Lions Club and doon naikot ang projects namin tulad ng feeding for hunger, tree planting for environment and others,” wika pa niya.

Tinanong ko rin siya kung ano pa ang pangarap niya, “To be a successful leader who will help a lot of people toge-ther with my family and district.”

Ito naman ang inspirational message niya sa mga kapwa niya kabataan, “It makes no difference how slow the process is, what matters is that you don’t stop. We can reach our goals to make a difference if we continue to move forward and do good things.”

“Lion Paps Rex thank you for believing and supporting me. I will do my best to help and serve a lot of people,” ang wakas niyang mensahe sa aking maikling panayam sa kanya. Sa bawat nakikilala ng inyong lingkod na mga kabataan sa Lions Club na Leo Club ay nakikita ko na napakaganda ng epekto sa kanila nang maaga nilang pagka-expose sa organisasyon.

Bukal na sa puso nila ang pagkakawanggawa at paglilingkod sa mga nangangailangan nating kababayan.