Magandang panahon, asahan ngayon  – PAGASA

Magandang panahon, asahan ngayon  – PAGASA

October 7, 2018 @ 10:11 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Magandang panahon ang aasahan ngayon sa bansa at sa susunod na mga araw.

Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, ‘easterlies’ lamang o hangin na galing sa karagatang Pacifico ang nakakaapekto sa ilang bahagi ng bansa.

Pero may posibilidad pa rin ng pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat o localized thunderstorm.

Magiging katamtaman naman hanggang sa kung minsan ay malakas ang hanging sa Hilagang Silangan ng Northern Luzon per mahina hanggang sa normal ang hanging mararamdaman sa buong bansa kaya, ligtas na makakapalaot ang mga mangingisda sa mga baybaying dagat ng bansa. (Remate News Team)