Magarbong paghahain ng kandidatura ‘di na papayagan – Comelec

Magarbong paghahain ng kandidatura ‘di na papayagan – Comelec

June 24, 2021 @ 7:46 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipagbabawal na ng Commission on Elections (Comelec) ang magagarbong pagsusumite ng certificate of candidacy (COC) ng mga nais lumahok sa darating na halalan sa susunod na taon.

Iginiit ni Comelec spokesperson James Jimenez na lilimitahan nila sa dalawa o tatlo ang makakasama ng kakandidato na papasok sa mga Comelec office para maiwasan ang mass gathering at mas mapabilis ang proseso.

“Pangkaraniwan kasi kapag magpa-file sila ng certificate of candidacy, whether in Manila, ‘yung sa main office natin, or du’n sa mga iba’t ibang opisina sa probinsiya ay talagang nagbibitbit sila ng isang buong barangay eh ipagbabawal po natin yan,” saad pa ni Jimenez.

Pinag-aaralan din aniya ng Comelec kung maaaring magkaroon ng online filing ng COC. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •