Magat Dam magpapakawala ng tubig bukas, Oktubre 29

Magat Dam magpapakawala ng tubig bukas, Oktubre 29

October 28, 2022 @ 8:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bilang tugon sa direktiba ni National Irrigation Administration Administrator Benny Antiporda na ‘Aksyon Agad’ ay nakatakdang magpalabas bukas Oktubre 29 ng tubig mula sa Magat Dam bilang paghahanda sa Bagyong Paeng.

Kung kaya’t nagbigay na ng abiso at paalala si Engr. Gileu Michael Dimoloy, manager ng NIA-MARIIS na iwasan ang pagtawid, pamamalagi at pagpapastol ng mga alagang hayop sa ilog o sa paligid nito para makaiwas sa anumang sakuna dulot ng maaaring biglaang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog.

Dahil sa sunod-sunod na pag-uulan na nararanasan ngayon sa Lambak ng Cagayan at karatig probinsya ng Cordillera ay halos dito bumabagsak ang mga tubig galing sa kabundukan kung kaya’t laging pinaaalerto ng nasabing ahensya para sa kaligtasan ng mga nasa baba ng ilog.

Karagdagan nito, ugaliing umantabay sa abiso ng nasabing ahensya sa kanilang official website o Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa paghahanda sa bagyong Paeng. Rey Velasco