Magat Dam patuloy sa pagpakawala ng tubig

Magat Dam patuloy sa pagpakawala ng tubig

October 31, 2022 @ 8:15 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pitong radial gates ng Magat Dam sa Luzon ang nananatiling bukas nitong Lunes upang magpakawala ng tubig mula sa hagupit ni Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae), batay sa dato mula sa PAGASA.

Hanggang nitong alas-6 ng umga, ang pitong gate ng dam ay bukas para sa kabuuang 20 meters opening.

Ang reservoir water level (RWL) ng Magat Dam ay na sa 191.70 metro kaninang alas-6 ng umga, na malapit sa 193-meter spilling level o normal high water level (NHWL).

Nagpalabas ang National Irrigation Administration’s Magat River Integrated Irrigation System Dam and Reservoir Division ng abiso na isasara ang dalawang gate, at bahagyang isasara ang opening ng dalawa pang gate ngayong Lunes ng umaga.

Ang dam ay nasa Magat River at major tributary ng  Cagayan River. RNT/SA