MAGBANTAY VS KRIMEN AT DROGA NGAYONG PASUKAN

MAGBANTAY VS KRIMEN AT DROGA NGAYONG PASUKAN

August 26, 2022 @ 8:19 AM 1 month ago


BILANG ama sa ilang kabataan, labis tayong naalarma sa mga sunod-sunod na pagpatay at pag-rape sa mga menor-de-edad na babae at dalaga sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa loob ng buwang ito, naitala ang karimarimarim na sinapit nina Lovely Anne Villagomez sa Brgy. Baritan, Malabon City; Jovelyn Galleno sa Brgy. Sta. Lourdes sa Puerto Princesa, Palawan; Angelica Calimlim sa Pulilan, Bulacan; at Princess Marie Dumantay, sa Bustos, Bulacan.

Sila’y pinagre-rape at pinagsasaksak hanggang sa mamamatay, kasama ang iba pang pambababoy sa kanila.

Ang totoo, mga Bro, sumusukal ang dugo ng ULTIMATUM habang tinitipa niya ito at iniimadyin niya kung ano-ano ang kanyang mga gagawin sa mga nahuhuling may gawa ng krimen nasabing mga babae.

Naiisip natin, sa mga nahuling umamin ng kanilang pagkakasala, paano ba parurusahan nang mabilis ang mga ito?

Sapat bang maparusahan ang mga ito ng 20-40 anyos na pagkakakulong?

O dapat bang pairalin ang matibay na paniniwala ng iba na kung ano ang inutang, siya rin ang kabayaran?

Paano ilalapat ito sa mga hayup na rapist at pumapatay sa kanilang mga biktima?

Hindi naman pupwedeng ipagdasal na lang ang mga ito at ‚Äúmagbago‚ÄĚ sa huling mga araw.

Malaking kawalan ng hustisya sa mga biktima at kanilang mga pamilya ang pagpapaubaya sa Diyos sa anomang kahihinatnan ng kaso.

Sabi nga, kailangan mong kumatok upang mapagbuksan ka ng pintuan, humiling upang ika’y mapagbigyan.

Kailangan nating kumatok at humiling at hindi magdasala lamang para makamtan ang katarungan.

Nakikiramay tayo nang lubos sa mga naulila ng mga biktima at inyong alalahanin na nasa likod ninyo ang lahat ng mga mamamayan para makamit ninyo ang karampatang katarungan.

NAGLIPANANG DROGA

Kapansin-pansin ang paglaganap ngayon ng malakihang bulto ng droga kahit saang lugar sa bansa.

Isang tanong: Hindi kaya nakadroga ang ilan o lahat ng mga gumawa ng krimen kina Lovely Anne Villagomez, Jovelyn Galleno, Angelica Calimlim  at  Princess Marie Dumantay.

Meron ba sa mga suspek na sina Leobert Dasmari√Īas; Gaspar Maneja Jr. o Jose Francisco Santos at iba pa ang nakadroga habang isinasagawa angmga krimen?

Kung meron, dapat na mabahala ang lahat lalo ngayong milyones ang lumalabas sa kanilang mga bahay na kababaihan para mag-aral.

Kaya naman, dapat mapagbantay ang lahat at lumahok sa giyera sa droga upang mapigilan ang paggawa ng mga krimeng karumal-dumal.

Hindi tayo dapat matakot na ituro sa mga awtoridad ang mga gumagawa ng mga krimen upang madakip ang mga ito o mapigilan sa masamang gawain.

At kung makakayanan naman natin, lahat tayo ay lumahok sa pagsugpo sa mga kriminal, nakadroga man o hindi, para na rin sa ating kaligtasan at kaligtasanb ng mga kababaihan.