Magbobote niratrat sa kalsada, dedbol!

Magbobote niratrat sa kalsada, dedbol!

October 9, 2022 @ 9:10 AM 2 months ago


ILOCOS SUR – Tigok ang isang lalaking nangangalakal o bumibili ng mga bote at bakal matapos pagbabarilin sa Brgy. Quezon, Cabugao, Ilocos Sur kahapon ng umaga, Oktubre 9.

KInilala ng Cabugao Municipal Police Station ang biktima na si Richard Tayaoa, 26, residente ng Brgy. Cacandongan, San Juan, Ilocos Sur.

Nakasakay umano sa kanyang kurong-kurong ang biktima galing San Juan at papuntang Cabugao para mamili ng mga bote at bakal nang sundan at pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek o ng mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Matapos ang pamamaril, ang biktima ay agad na dinala sa Suero General Hospital ng mga rumespondeng PNP personnel.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa nangyaring pamamaril at para tukuyin kung sino ang mga pumaslang sa biktima. Rolando S. Gamoso