MAGDAHAN-DAHAN SA PAGPAPARAMI NG ANAK

MAGDAHAN-DAHAN SA PAGPAPARAMI NG ANAK

November 17, 2022 @ 11:47 AM 2 weeks ago


SUMENTRO sa Pinas ang mata at tainga ng mundo nang isilang dito ang pang-8 bilyong tao sa Pinas.

Ang totoo, inabangan ng mahigit 200 bansa at teritoryo sa buong mundo ang makasaysayang pangyayaring ito.

Kanya-kanyang sumite ang mga bansa ng kanilang kandidatong ika-8 bilyong tao sa United Nations Population Division at ang Commission on Population Development ang pinakamagaling na nagsumite sa tamang oras at iba pang mga detalye.

Siyempre pa, may tiyak na ipinanganak na sakto sa oras sa gabi o araw ang pagsusumite ng ngalan ng baby pero sori na lang ang naunahan sila ng mga taga-POPCOM natin.

Si Vinice Mabansag, anak ni Maria Margarette Villorente ang nagwagi.

Ipinanganak siya sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Manila na sinasabing may pinakamaraming baby na ipinanganganak araw-araw sa buong mundo.

Naroon si Dr. Romeo Bituin, chief ng medical staff ng ospital, at sinubaybayan nito ang pagkakapanganak ni baby Vinice dakong 1.29 ng umaga.

Normal, dinaan sa tamang oras at hindi isinalang sa operasyon ang baby ni Ms. Villorente.

Tanungin nga pala natin si Dr. Bituin kung bakit walang iniulat na tatay si Vinice.

KWENTONG KAKAIBA

Sabi ng United Nations Population Division, paliit nang paliit ang populasyon ng mundo.

Ito’y dahil sa mahusay na edukasyon ukol sa pagpapamilya na mas kakaunti ang anak, mas maganda para sa mga magulang na ihanda ang mga bata sa magandang kinabukasan.

Naririyan din ang paggamit ng mga birth control na gamit at pamamaraan, kasama na ang mga contraceptive at condom, para kumonti ang magbuntis at manganak.

At marami pang iba.

Pero klaro namang magmumula sa Pilipinas, kasama ang Pakistan, sa dakong Asya ang pinakamabilis na gumawa ng baby.

Kasi naman, nasa 1 porsyento lang ang pagdami ng populasyon sa ibang bansa ngunit sa Pinas, 1%.

‘Yun bang === dahil mahigit 110-113 milyon tayo ngayon, madaragdagan ito ng 2M taon-taon.

MAGHANDAN-HANDA NA

Dahil sa mabilis nating pagdami nang hindi naman lumalaki ang lawak ng lupain natin at iba pa nating yaman, dapat tayong maghanda-handa.

Kasi naman, kung dumarami ng 2M ang mga Pilipino, nangangahulugang dapat pumundar din tayo ng mas maraming bahay, mas maraming pagkain, mas malaking kailangang kuryente, mas maraming iskul, mas maraming pagkukunan ng tubig at iba pa.

‘Di nga ba kinakapos na tayo sa mga nabanggit na bagay?

Paano na lang kung maging 270 milyon tayo sa 2050?

Hindi naman pupwedeng iasa natin ang solusyon sa pagkakaroon ng matitinding pandemya at kalamidad para mapigilan o mabawasan ang mabilis nating pagdami.

Pwede naman nating sabihan ang mga pari o ilan sa mga pari na ituloy nila ang pagiging single at huwag magkanak kung kalimutan nila ang kanilang pangakong celibacy o pagiging single for life.

Pero huwag na natin silang idamay. Hehehe!

Sabihan na lang natin ang mga gustong mag-asawa at magkaanak o ang mga babaeng gusto lang magkaanak, may tatay o wala, na kontrolin nila ang pagkakaroon ng maraming baby.

At hayaan natin ang mga nasa gobyerno na mangampanya para sa apordable na pagpapamilya para hindi aasa ang marami sa ayuda para sa 4Ps.