Magdalo ‘di susuportahan si Lacson sa pagka-Pangulo sa 2022 elections

Magdalo ‘di susuportahan si Lacson sa pagka-Pangulo sa 2022 elections

July 28, 2021 @ 4:48 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hindi susuportahan ng Magdalo group sakaling magkaroon ng alyansa si Vice President Leni Robredo at ang Liberal Party na  susuporta kay Senator Panfilo Lacson sa pagka-Pangulo sa susunod na eleksyon.

“VP Leni, I hope this is not true. Pero kung totoo ito, pasensya na po pero the Magdalo Group would not join you and LP kung mag give way kayo para kay Sen. Lacson,” batay sa isang tweet ni dating Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ang naging pahayag ng dating senador matapos isiwalat ni Lacson na nagkausap sila ni Robredo at Senator Bam Aquino kasama si Sotto.

“May I remind you also na si Sen. Lacson ay isa sa nagtulak sa unjust imprisonment of your partymate, Sen. De lima,” punto ni Trillanes.

 Sa isang pahayag naman ni lawyer Barry Gutierrez, tapagsalita ng bise na naganap ang pagpupulong nitong nakaraang linggo.

“My understanding is that these meetings were held last week. I can’t speak about the specifics, but this is all part of the VP’s commitment to forge the broadest possible unity among groups and individuals seeking change in 2022,” ani Gutierrez.

Matatandaang sinabi ni Trillanes na balak nitong tumakbo bilang Presidente ngunit aatras ito sakaling tumakbo si Robredo sa posisyon.

Si Trillanes at Robredo ay ilan sa mga nominadong pambato ng 1Sambayan sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Samantala, kamakailan sinabi ni LP president and Senator Francis Pangilinan na nagkikipag-ugnayan ito kina Lacson, Senators Nancy Binay at Joel Villanueva, at Manila Mayor Isko Moreno para sa susunod na eleksyon. RNT/ELM


  •  
  •  
  •