MAGDIWANG NG KAPASKUHAN SA ALTERNATIBONG MALAMIG NA LUGAR

MAGDIWANG NG KAPASKUHAN SA ALTERNATIBONG MALAMIG NA LUGAR

December 23, 2022 @ 1:03 PM 1 month ago


Mismong mga residente ng Baguio City, ang kilalang “summer capital” ng bansa ay nasisikipan na sa dagsa ng mga turista na nasa tinatayang 200,000 na. Nalagpasan na nito ang pre-pandemic visitor’s arrival na nasa 150,000 lamang.   

Kaya naman sa mga pamilya o magbabarkadang naghahanap ng malamig na lugar ngayong Pasko hanggang Bagong Taon, narito ang ilang alternatibo na maaari ninyong puntahan –

  1. Tagaytay City na nasa lalawigan lamang ng Cavite. Tinatawag itong “second summer capital”. Bukod sa malamig na klima, makikita dito ang aktibong Taal volcano at matitikman ang masarap na bulalo.

  1. Municipality of Majayjayprovince of Laguna na alam n’yo bang siyang orihinal na “summer capital” ng bansa noong panahon ng mga Kastila.

Malamig ang klima dito dahil nasa paanan ito ng Mount Banahaw. Masarap magtampisaw sa 20-foot high na Taytay Falls o ang tinatawag na Imelda Falls.

Maaari ring puntahan ang mga kalapit na malalamig na bayan ng Liliw, Lousiana at Magdalena.   

3.      Kung green Christmas naman ang hanap n’yo, magtungo sa municipality of Tanayprovince of Rizal at mamangha sa Masungi georeserve o akyatin ang Mount Daraitan o ang Nagpatong rocks. Maaari ding maligo sa Daranak Falls at sa Batlag Falls.

4.      Municipality of Sagadaprovince of Mountain Province na ilang oras lamang mula sa Baguio city.

Makikita rito ang hanging coffins, kulumpon ng mga ulap, at rice terraces. Pasukin ang Sumaging cave at tikman ang masarap na kape.  

5.      Municipality of Banaueprovince of Ifugao para makita ng malapitan ang bahagi ng ipinagmamalaki nating Rice Terraces of the Philippine Cordillera na kasama sa listahan ng UNESCO o United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization bilang “World Heritage Sites”.

6.      Kung kayo naman ay nasa Western Visayas, pasyalan ang bayan ng Don Salvador Benedicto sa lalawigan ng Negros Occidental, na binabansagan bilang “little Baguio” dahil sa mga pine trees nito. Matatagpuan dito ang Lantawan viewing deck, Maglahos river tunnel, at ang Malatan-og Falls.

7.      Gayundin ang Canlaon cityprovince of Negros Oriental, na nasa paanan ng Mount Kanlaon na isang aktibong bulkan.

Magandang pasyalan dito ang Makawiwili Ridge na talaga namang mawiwili kang balik-balikan dahil sa malamig na klima at magandang tanawin.

Kaya ngayong Kapaskuhan, sulitin ang oras kasama ang pamilya o masayang barkada. Maikli lamang ang buhay, piloting gumawa ng masasayang kasaysayan.