Magdyowa tiklo sa P1.4M droga

Magdyowa tiklo sa P1.4M droga

July 16, 2022 @ 10:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ibinalibag sa hiwalay na selda ng sinasabing magkasintahan na nasakote sa anti-drug operation sa Caloocan City.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Myka Ofalsa y Espedido, 28, at; Joel Mang y Velasquez, 32.

Nasakote ang dalawa dakong alas-11:50 ng gabi nitong Hulyo 14 sa Blk. 4, Lot 15, Neo Vista Homes Barangay 171, Caloocan.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 200 gramo ng shabu na may presyong P1,360,000. Merly Iral