Maggie Wilson, kinasuhan ng adultery!

Maggie Wilson, kinasuhan ng adultery!

July 19, 2022 @ 7:50 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Marami pa rin ang napapaisip, what went wrong sa relasyon nina Maggie Wilson at Victor Consunji?

Malayo sa inaakala ng lahat, mukhang hindi pang forever ang relasyon ng dalawa.

September 2021 when the two announced na hiwalay na sila after 11 years of being together with one child.

Actually, marami ang hindi makapaniwala lalo’t bago nila i-anunsyo ang paghihiwalay, spotted pa silang magkasama sa bakasyon sa Europe.

After the vacation, may mga captions si Maggie about peace of mind, self-respect, at self-worth after walking away from people and situations na mas nagpatibay pa sa hinala ng netizens na hiwalay na nga sila ni Vic.

Well, neither Vic nor Maggie spoke about the issue.

December 2021 na nang magparamdam si Maggie about it kung saan may cryptic post ito tungkol sa paglalabas ng katotohanan soon. Parehong buwan kung saan naglabas ito ng saloobin tungkol sa hinidi nito pagkakaroon ng pagkakataon na makasama ang anak kahit na napag-usapan na ito.

“There are strong reasons why I left and if you think I left because of another guy, you have no idea. Those reasons will be revealed in time. I have been put through so much over the last 3 months and more so the last few years,” saad nito sa isang Instagram post.

Matapos ito, nagkaroon na ng duda ang netizens dahil sa photos and stories ni Maggie kasama si Tim Connor. May long message pa ang beauty queen for Tim’s birthday that according to netizens, “pang mag-jowa” levels.

(Relative to this, people assumed that Vic, Maggie, Tim and his now ex-girlfriend Francesca Armstrong were friends lalo’t minsan na silang spotted na magkakasama sa Indonesia noong February 2021.)

Pero nabuhay na naman ang isyu nang magreklamo si Maggie tungkol sa panggugulo ng DMCI and Victor Consunji Development Corporation (VCDC) executives sa bahay niya na she claims as a conjugal property.

Sinundan din ang eksenang ito nang pag-sampa ni Vic ng adultery case laban kay Maggie sa Taguig City Metropolitan Trial Court. (source Bilyonaryo)

What really happened sa relasyon ng mag-asawang ‘to?

It’s been more than a year pero mukhang hanggang ngayon, unsettled pa rin.

Pareho namang itinanggi nina Tim at Maggie ang cheating sa kanilang former partners.

Hmm. What a roller coaster ride! Paula Jonabelle Ignacio