Magic labong: Masustansya na, nakapagpapapayat pa

Magic labong: Masustansya na, nakapagpapapayat pa

July 3, 2020 @ 1:45 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Alam mo ba na ang kawayan ay maaaring kainin at kaakibat nito ang sustansya?

Ang labong o ubod ng kawayan ay may malaking tulong din sa pagpapayat, ayon sa eksperto.

Sa ulat ay mayaman ito sa fiber habang kakaunti naman ang taglay na carbohydrates.

Mababa rin ito sa calorie at asukal na sadyang makatutulong sa weight loss.

Laman din ng labong ang Vitamin A, B Complex, at C, at mga mineral gaya ng zinc at selenium.

Bukod pa rito ay may antioxidants din ang labong na mabisang panlaban sa cancer, calcium, mangesium, at copper.

Kailangan lamang itong lutuing maigi at huwag gawing salad dahil maaari itong makalason kung kakainin ng hilaw. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...