Magic nanghina sa Pistons

Magic nanghina sa Pistons

October 20, 2022 @ 10:43 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kumamada si Bojan Bogdanovic ng 24 puntos sa kanyang debut sa Detroit upang papaitin ang debut game ni top pick Paolo Banchero sa naging pagkatalo ng Orlando Magic 113-109 sa season opener para sa magkabilang koponan kahapon.

Si Bogdanovic, na nakuha sa isang trade sa Utah, ay gumawa ng anim na 3-pointer at humakot ng limang rebounds.

Umiskor naman si Jaden Ivey, ang fifth pick sa June draft, ng 19 points, at isa pang lottery selection, si Jalen Duren, ay nagbigay ng 14 points at 10 rebounds sa kanyang debut.

Si Cade Cunningham ay may 18 puntos at 10 assist, habang nag-ambag si Isaiah Stewart ng 14 puntos para sa Detroit.

Nagsalansan si Banchero ng 27 puntos, siyam na rebound at limang assist sa kanyang unang laro.

Nagtala si Jalen Suggs ng 21 puntos bago nag-foul out, at si Franz Wagner ay may 20 puntos at limang assist. Nagdagdag si Terrence Ross ng 13 puntos at nagtala si Wendell Carter Jr. ng 11 na may 11 rebounds.JC