Magkaibigan patay, 1 kritikal sa tatsulok na pag-ibig

Magkaibigan patay, 1 kritikal sa tatsulok na pag-ibig

June 24, 2022 @ 6:41 PM 4 days ago


NAIC, Cavite- Patay ang magkaibigan habang kritikal ang isa pa matapos silang tambangan at pagbabarilin ng tatlong suspek sa hinalang may relasyon ang isa sa mga biktima sa kinakasama ng suspek, Huwebes sa bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rico Mariscotes, 23, at Lennox Nuguid, 24 habang patuloy naman ginagamot sa Trece Martires City hospital si John Aldy Bendijo, 24.

Nadakip naman ang isa sa mga suspek na si Joshua Mojica habang tugis ang dalawa pa nitong kasama na sina Janiel Tafalla at John Zyrus Tafalla.

Batay sa report ng Naic Municipal Police Station, dakong dakong alas-8 ng gabi naganap ang krimen sa Barangay Palangue 3, ng nasabing bayan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, galing sa inuman ang magkakaibigan Mariscotes at pauwi na sana ang mga ito sakay ng motorsiklo.

Pagdating sa nasabing lugar bigla na lamang silang hinarang ng mga suspek sa pangunguna ni John Zyrus sa hinalang may relasyon ang biktimang si Bendijo at kanyang live-in partner.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawang grupo hanggang sa bumunot ng baril ang mga suspek sa pinagbabaril ang mga biktima na naging sanhi ng agaran kamatayan nina Mariscotes at Nuguid habang dinala naman sa ospital si Bendijo at patuloy na inoobserbahan.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng mga basyo mula sa .38 caliber habang nakatakas ang mga suspek .

Agad naman nagsagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip ni Mojica.

Inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek. Mary Anne Sapico