MAGKAKAGULATAN SA MAYO 9 AT BBM-SARA WAGI NA

MAGKAKAGULATAN SA MAYO 9 AT BBM-SARA WAGI NA

May 6, 2022 @ 10:15 AM 2 months ago


Magkakagulatan sa May 9, araw ng halalan, ayon kay PDP Laban Senatorial candidate Salvador “Sal Panalo” Panelo.

Sinabi ng dating Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na baga­ma’t hindi pa siya umaabot sa top 12 sa mga survey, kum­pyansa siya sa suporta ng tao sa kanyang kandidatura.

Tiwala pa rin si Panelo na mananalo dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng sambayanan kahit saan siya magpunta.

Aniya, tila wala sa supporters niya ang nahagip ng survey.

Marami ring grupo ang boluntaryong nangangampanya para sa kanya at libo-libo na ang absentee vo­ters na nagsabi na binoto nila siya

“Kaya dalawa lang ang puwedeng mangyari… magugulat ako na hindi tayo nanalo, o magugulat sila na panalo tayo,” ani Panelo.

Anoman ang mangyari,  itinuturing niyang malaking tagumpay ang kanyang kampanya dahil naging instrumento ito sa pagtaas ng kaalaman sa kalbaryo ng children with disabilities (CWD) at ng kanilang pamilya.

Pangunahin sa plataporma ni Panelo ang pagbibigay ng suporta at paglaban sa mga karapatan ng mga CWD.

Sinabi ni Panelo na ma­tagumpay din ang kanyang kampanya dahil: “(n)amulat din natin ang mata ng mga tao na kailangan nating amyenda­han ang Konstitusyon para sa tuloy-tuloy na pagbabago.

“Binasag din natin ang mga nara­tibong ginagamit ng dilaw para malinlang ang taumbayan.”

Dagdag pa ni Panelo na higit sa lahat, malaki ang pag-asa na maipagpapatuloy ang mga pagbabagong sinimulan ni Pangulong Duterte dahil ti­yak na aniya ang panalo ni Bongbong Marcos at Sara Duterte sa halalan.

“May oras pa tayo! Gula­tin natin sila! I-PANELO NA NATIN TO!” ani Panelo.

o0o

Heto naman ang hindi na nakagugulat. Muli na namang umarangkada ang tambalang BBM-Sara sa isang panibagong lumabas na sarbey, patunay na sila na talaga ang itinadhanang magwawagi sa halalan sa Mayo 9.

Sila ay mananalo, hindi sa daya o SmartMagic, kundi dahil sa bumubuhos na suporta ng sambayanang Noypi.

Sa Pulso ng Pilipino survey na isinagawa ng The Issues and Advocacy Center nitong April 25-39, nakasambot si BBM ng 59% kumpara sa napakalayong naghahabol na si Leni Robredo na may 19% lamang, sinundan ni Isko na may 8% at Pacquiao na may 5%.

At siyempre, nangunguna rin ang katambal ni BBM na si Sara na nasungkit ang 50% na sobrang layo rin kay Sotto na may 29%. Sabi nga, mad­yik na lang (uli) kapag natalo pa si BBM.

Sabi ni Ed Malay, director ng The Center, nag-boome­rang lang kay Robredo ang pangit o masamang estilo ng pangangampa ng mga Ka­kamPink na pawang paninira at panghahamak laban kay Marcos.

Pinatunayan din sa sarbey na ang Simbahang Katoliko ay hindi na gaya ng dati na kayang impluwensiyahan ang mga botanteng Pilipino.

Hindi na mauto-uto ng mga pari at obispo ang mga botante na suportahan ang kanilang manok na si Robredo dahil nakatindig na sila upang ipa­nalo ang BBM-Sara sa Mayo 9.