Magkakapatid arestado sa paggahasa sa sariling pamangkin

Magkakapatid arestado sa paggahasa sa sariling pamangkin

September 14, 2022 @ 2:20 PM 2 weeks ago


LABO, Camarines Norte – Arestado ang magkakapatid matapos pagsalit-salitan gahasain ang sarili nilang pamangkin na dalagita sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad Miyerkules sa bayang ito.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na ipinalabas ni Hon. Leo Lumabad Intia Presiding Judge ng Branch 64 Labo, Camarines Norte, nadakip ang mga suspek na kinilala sa mga alyas “Jojo”, 34, construction worker, alyas “Oman”, 35, magsasaka at alyas “Kiko”, 30 anyos, binata, magsasaka ng niyog, pawang mga residente ng naturang lugar.

Ayon sa pulisya, nagsimula ang kababuyan ng mga suspek Nobyembre 2021, unang ginahasa ni alyas “Kiko” ang 14-anyos nitong pamangkin dakong 8:00 PM sa araw pa mismo ng kaarawan ng biktima.

Isa oras lamang ang nakalipas ay sunod naman ginahasa ang biktima ni alyas Jojo.

Habang noong Enero 2022, dakong 11:00 PM ginahasa naman ni alyas Oman ang pamangkin.

Ipinagkatiwala ng ina ng biktima sa kanyang ina (lola ng bata) at mga kapatid (tiyuhin ng bata) ang pag-aalaga habang ito ay nagtatrabaho sa ibang lugar.

Kasalukuyan nasa lock-up cell ng Labo MPS ang mga suspek pata sa tamang disposisyon.

Ang mga suspek ay nasa listahan ng Most Wanted Person sa nasabing lungsod. Mary Anne Sapico