Magkalabang pamilya sa pulitika nagratratan sa Lanao, 8 sugatan

Magkalabang pamilya sa pulitika nagratratan sa Lanao, 8 sugatan

April 20, 2022 @ 8:51 AM 2 months ago


LANAO DEL SUR- Sugatan ang walong katao kabilang isang bata matapos tamaan ng ligaw na bala sa bakbakan ng hinihinalang magkalabang pamilya sa pulitika o away pamilya nitong Linggo sa bayan ng Malabang.

Nilapatan na ng lunas sa ospital ang mga sugatan na pawang hindi muna pinangalanan ng pulisya.

Batay sa report ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)-PNP, bandang 9:00 PM nagsimula ang bakbakan sa Barangay Tubod, ng nasabing bayan.

Ayon sa mga residente, hindi sila pinatulog ng mga putok ng baril dahil na rin takot na sila ay matamaan ng mga ligaw na bala.

Umabot ng 5-oras ang unang engkuwentro subalit naulit muli ang putukan ng 5:00AM ng Lunes na ikinasugat ng walong katao.

Inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman sa darating na May 9, 2022 elections ang engkuwentro ng dalawang pamilya na politiko kaya hindi muna pinangalanan ang mga ito./Mary Anne Sapico