Magkapatid lumutang sa ilog

Magkapatid lumutang sa ilog

February 5, 2022 @ 2:21 PM 8 months ago


Tuguegarao City- Nagpalutang-lutang nang matagpuan ang bangkay ng magkapatid sa ilog matapos malunod habang nagse-selfie, iniulat kaninang umaga sa lungsod na ito.

Tinukoy ang mga namatay na 17-anyos at ate nito na si Maybelle, 20 kapwa residente ng Purok 1, Bulanao Tabuk City.

Batay sa report ng Tabuk Police Station, nag-outing ang pamilya Gonzalo sa Chico River, Bulanao, Tabuk City.

Subalit, habang nasa gitna ng kasiyahan ng pamilya bigla na lamang nilang napansin na nawawala ang magkapatid.

Agad naman nilang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari para humingi ng tulong at mahanap ang magkapatid.

Inabot ng ilang araw ang isinagawang retrieval operations hanggang sa natagpuan nagpalutang-lutang ang bangkay ng magkapatid.

 Ayon sa kaanak, nakita pa nila ang magkapatid na kumukuha ng mga larawan sa ilog habang nakalusong sa tubig at posibleng tinangay ang mga ito ng malakas na agos ng tubig./Mary Anne Sapico