Magkapatid na bata patay sa hukay

Magkapatid na bata patay sa hukay

August 17, 2022 @ 11:06 AM 2 months ago


RAMON, Isabela- Maagang binawian ng buhay ang magkapatid na bata matapos mahulog sa hukay na puno ng tubig-ulan noong Linggo sa bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marianne Contawe, 9-anyos, may kapansanan at kapatid nitong si Supremo Contawe, 5-anyos, kapwa residente ng Burgos, Ramon, Isabela.

Ayon Barangay Chairman Bernard Santiago, ng Burgos, Ramon Isabela, nakita na lamang ang magkapatid na nalunod sa hukay dahil sa tsinelas na nagpapalutang-lutang.

Galing sa birthday party ang magkapatid at pauwi na sana ang mga ito sa kanilang bahay ng madaanan ang hukay na puno ng tubig ulan.

Posible umanong lumusong naengganyong lumusong ang magkapatid na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Sinabi pa ni Santiago, na ang hukay na may lalim na higit dalawang metro ay pagtatayuan sana ng haligi para sa ginagawang warehouse.

Dahil araw ng Sabado at uwian na ng mga construction worker hindi man lamang nilang tinakpan ang butas at sa magdamag na buhos ng ulan ay napuno ito.

Nangako naman ang may-ari ng ginagawang warehouse na magbibigay ng tulong pinansyal sa mga magulang ng magkapatid. Mary Anne Sapico