Magkapatid na mangingisda nalambat sa Navotas buy bust

Magkapatid na mangingisda nalambat sa Navotas buy bust

September 25, 2022 @ 1:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nalambat ng pulisya ang magkapatid na mangingisda na listed bilang drug personalities sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw, Setyembre 24.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Warly Romay, 39 at Wilson Romay, 33, kapwa ng R. Domingo St., Brgy. Tangos North, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong ala-1:43 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr ng buy bust operation matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagtutulak umano ng illegal na droga ng magkapatid.

Matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na umakto bilang poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 8 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 54,400 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura