Magkapatid na Manguad, patay sa mga kawatan

Magkapatid na Manguad, patay sa mga kawatan

December 11, 2021 @ 3:22 PM 10 months ago


Cotabato – Kaawa-awa ang sinapit ng isang dalaga at kapatid nitong lalaki matapos silang patayin ng mga magnanakaw, iniulat kahapon sa bayanng M’lang ng lalawigan ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina na Crizzle Gwynn Maguad 18 anyos at Crizzule Luois Maguad 16, kapwa residente ng Purok San Isidro Barangay Bagontapay M’lang Cotabato.

Batay sa report ng M’lang Police Station, bandang 2:00 PM naganap ang krimen sa loob ng bahay ng magkapatid sa nasabing lugar.

Kwento ng pinsan ng magkapatid , nasa loob siya ng kwarto nang marinig niya ang ingay paghingi ng tulong ng kanyang mga pinsan.

Sa halip na lumabas ng silid, nagkubli na lamang siya at sinamantalang makapag-post sa social media para humingi ng tulong dahil pinasok sila ng mga kawatan at gusto silang patayin.

Nakarating naman sa mga awtoridad ang mensahe ni Emuelin at tinungo ang tahanan ng magkapatid na Maguad.

Pagdating sa lugar nakita na lamang nila na nakakalat ang mga dugo sa bahay ng magkapatid at nakita na lamang bangkay ng mga ito ng tadtad ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Matapos ang krimen tinangay ng mga suspek ang mga alahas at malaking halaga pera saka tumakas sa hindi malamang direksyon.

Sa ngayon, inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito.

At para mapadali ang paglutas sa krimen naglaan na rin ng pabuya sa halagang P200,000.00 ang lokal na pamahalaan ng M’lang para sa ikadarakip sa mga suspek at mapanagot./Mary Anne Sapico