Magkapatid na paslit natusta sa lighter

Magkapatid na paslit natusta sa lighter

October 10, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


PLARIDEL, Quezon- Natusta nang buhay ang magkapatid na batang lalaki matapos masunog ang kanilang bahay-kubo sa nilarong lighter nitong Huwebes sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Reynan Ezquibel, 4 at kapatid nitong si Lorenzon, 1, kapwa nakatira sa bulubunduking bahagi ng Sitio Libis, Barangay Tanauan, Plaridel, Quezon.

Batay sa sa report ng Plaridel Municipal Police Station, bandang alas-4 ng hapon nang matagpuan ang sunog na bangkay ng magkapatid sa nasabing lugar.

Kwento ng ina, iniwan lamang niya saglit ang mga anak at nanguha ng gulay na kanilang pagkain.

Pagbalik ng ina laking gulat na lamang niya na abo na niyang nadatnan ang kanilang bahay at sunog na katawan ng kanyang mga anak.

Sinabi ng ina na mahilig daw maglaro ng cigarette lighter ang kanyang panganay na anak at posibleng pinaglaruan niya na ito ng naging sanhi ng sunog.

Ayon sa pulisya gawa lamang sa light materials ang bahay kaya mabilis itong natupok at wala rin mga kapitbahay.

Umaabot naman sa P3,000 halaga ng ari-arian ang nasunog. Mary Anne Sapico