Magkapatid na-suffocate sa loob ng balon, dedbol

Magkapatid na-suffocate sa loob ng balon, dedbol

June 5, 2021 @ 10:58 AM 2 years ago


La Union-Patay ang magkapatid na lalaki matapos silang masuffocate sa loob ng isang balon sa Brgy. Lisqueb, Bacnotan ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Freddie Espiloy, 42, at Federico Espiloy, 48, kapuwa residente ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bumaba sa loob ng balon na may lalim na 65-feet  si Freddie para linisan ito pero makalipas ang ilang sandali ay nahirapan itong huminga kaya agad na humingi ng saklolo sa kanyang kapatid.

Agad namang bumaba sa balon si Federico para tulungan  ang kapatid ngunit pagdating nito sa ibaba ay nahirapan din siyang makahinga kaya kapuwa sila na-suffocate na magkapatid.

Sa isinagawang retrieval operation, naiahon ang katawan ni Federico mula sa loob ng balon bandang10:50 ng umaga at bandang 11:10 naman ng umaga  kay Freddie. Rolando S. Gamoso