Magkapatid na ‘tulak’ arestado sa buy-bust sa Malabon

Magkapatid na ‘tulak’ arestado sa buy-bust sa Malabon

July 10, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Shoot sa kulungan ang magkapatid na bagong indentified drug pusher matapos madakma sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na si Joemar Bautista, 29, at kanyang kapatid na si Jonel, 27, kapwa ng Salmon St., Brgy 8, Caloocan City.

Ani Col. Barot, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa P. Concepcion St., Brgy. Tugatog matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng ilegal na droga ng magkapatid.

Matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na umakto bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 6.10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P41,480 at marked money.

Ayon kay PSSg Jerry Basungit, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura