Magkapatid na tulak, timbog: Bebot na drug user, arestado rin

Magkapatid na tulak, timbog: Bebot na drug user, arestado rin

October 6, 2018 @ 3:48 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Huli ang magkapatid na sinasabing nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 9 sa Malate, Maynila, kaninang ng madaling araw.

Sa ulat ni Senior Inspector Edwin Fuggan, sina Federico Macalinao, 29-anyos, at Injimar Macalnao, 25-anyos, residente ng Malate, Maynila ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Sections 26 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos makuhanan ng limang sachet ng shabu.

Alas 12:30 ng madaling araw nang makabili ng halagang P300 ng shabu ang poseur-buyer sa magkapatid sa panulukan ng Quirino ave. at Leveriza st., Malate.

Samantala, dalawa pang tulak din ng shabu ang dinakip naman ng mga tauhan ng MPD-Station 6 sa San Andres Bukid, Maynila alas-2:30 kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO3 Rey Rabut, ang mga suspek na kinilalang sina Norberto Fuentes alyas ”Nonoy Pusa”, 52-anyos, miyembro ng Batang City Jail at residente ng San Andres Bukid at Evelyn Dagatan alyas “King-jing”, 41-anyos, miyembro ng Bahala na Gang.

Nakabili ng halagang P200 shabu ang isa sa tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at nakumpiska pa ang nasa 7 sachet ng shabu mula sa mga suspek kaya nahaharap sila sa paglabag sa RA 9165 section 5 at 11.

Isa pang naaresto ng MPD-Station 6 sa iligal na droga ang suspek na si Neneth Viray, 52-anyos, residente ng Punta, Sta. Ana, Maynila dakong alas-10 ng gabi kamakalawa sa kanilang lugar na may hawak na isang sachet ng shabu na pinaniniwalaang kabibili lamang./Jocelyn Tabangcura-Domenden