Magkapatid patay sa nilinis na balon

Magkapatid patay sa nilinis na balon

June 6, 2021 @ 11:44 AM 2 years ago


PANGASINAN – Patay ang magkapatid matapos masulasok sa isang nililinis na balon sa Bacnotan, La Union.

May lalim ang nasbaing balon na 66 talampakan.

Kinilala ang magkapatid na sina Freddy at Federico Espiloy.

Ayon sa imbestigasyon si Freddy ang unang bumaba sa balon para maglinis.

Humingi siya ng tulong nang makaramdam ng kahirapan sa paghinga.

Tinangka pa siyang iligtas ni Federico pero nabigo at nasawi rin matapos kasamang ma-suffocate.

May dalang compressor umano ang magkapatid, pero nasira umano ang mag ito. RNT