Magkapatid swak sa P7M shabu sa Rizal!

Magkapatid swak sa P7M shabu sa Rizal!

September 27, 2022 @ 2:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines-Arestado ang magkapatid na sina Diadema Babasa at Betty Babasa sa halos P7 milyong halaga ng shabu kagabi sa isinagawang buy-bust operation ng magkasanib sa puwersa ng San Mateo PNP at Provincial Intelligence Unit sa San Mateo Rizal.

 Sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay Rizal PNP Provincial Director kay PRO4A-regional director Jose Melencio Nartatez Jr., nakuha sa mga ito ang isang bulto at pitong piraso ng hinihinalang SHABU na may timbang na 1.020 kilos na nagkakahalaga ng 6,936,000 dakong alas otso ng gabi sa No. 31 Rosal St., Brgy., Gulod Malaya sa nabanggit na bayan.

Ang mga suspek ay binasahan ng Miranda Rights at Anti-Torture Law habang inaaresto.

Habang ang mga narekober na ebidensya ay minarkahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato sa lugar ng pinangyarihan at nasaksihan ng ilang Barangay  official.

Ang mga suspek at ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Field Unit para sa wastong disposisyon.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa San Mateo Custodial Facility.

Pinuri ni PCOL BACCAY ang naging matagumpay na operasyon at naninindigan na ang mga kapulisan ng Rizal ay lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta umano ng iligal na droga. Rene Tubongbanua