Magkapatid todas sa rambol sa videoke bar sa Bacolod

Magkapatid todas sa rambol sa videoke bar sa Bacolod

August 6, 2018 @ 5:59 PM 4 years ago


Bacolod City – Patay ang magkapatid makaraang pagsasaksakin sa gitna ng rambol sa isang videoke bar sa Barangay Alijis, Bacolod City.

Nakilala ang mga napatay na biktimang sina Jessie at Jonathan Naranja na nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na naging dahilan ng agarang kamatayan.

Sugatan naman ang isa nilang kasamahan na si Jerry Martinez.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagbasag umano ng mga bote ng beer ang magkapatid bunga ng kanilang kalasingan.

Bukod dito, isang lalaki sa videoke bar ang hinampas umano ng sinturon ng isa sa mga namatay.

Nagalit ang lalaki at gumanti hanggang sa mauwi sa pananaksak.

Mabilis na tumakas ang hindi pa pinangalanang suspek sa krimen. (Jeff Gallos)