Magkapitbahay na tulak, kapit selda na

Magkapitbahay na tulak, kapit selda na

August 11, 2018 @ 10:29 AM 4 years ago


San Juan City – Kalaboso ang dalawang magkapitbahay na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang sa buy bust operation sa lungsod ng San Juan Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni San Juan Acting Chief of Police PS/Supt. Dindo R. Reyes, ang mga suspek na sina Marlyn Dela Cruz, 53-anyos, alyas Marlyn; at Reynan Ric Saura, alyas RR, 24,  kapwa naninirahan sa Bgy. Batis.

Sa ulat, na nakarating sa tangapan ni Eastern Police District Director, PS/Supt. Bernabe Balba, dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ang dalawang suspek na kalaunan ay bumalik sa pagtutulak ng droga at tuluyan nang humimas ng selda matapos mahuli sa buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na pinangungunahan ni PS/Insp. Edwin Malaban, sa N.Domingo St., Bgy. Progreso.

Dakong alas-12:10 nang maiabot na ng mga suspek ang isang transparent na plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu bilang kapalit ng P500.

Dito na dinampot ang dalawa at sa ngayon ay nakaharap sa kasong paglabag sa Sec 5, 11 at 26 ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nakakulong sa San Juan Police detention cell. (Toto Nabaja)