Home METRO Magkasintahan humabol sa Undas

Magkasintahan humabol sa Undas

SAN MATEO, ISABELA – Humabol sa Undas ang magkasintahan nang salubungin sila ni kamatayan nang masalpok ng isang kotse ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang mga nasawing magkasintahan na sina Sharon Bombarda, 25-anyos, isang Guro, residente ng Brgy. Sinamar Norte, at Jefferson Beltijar, 27-anyos, bank employee, residente ng Dinapigue, Isabela.

Habang ang drayber ng kotse na kinilalang si Rogelio Gamiao, 29 anyos, negosyante, residente ng Barangay 1, San Mateo, Isabela.

Una rito, habang binabaybay ng magkasintahan ang south direction nang mabangga ng kotse ang likurang bahagi ng motorsiklo na dahilan ng kanilang pagtilapon sa kalsada.

Nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan ang magkasintahan at ideklarang dead on arrival ng attending physician nang sila’y madala sa pagamutan.

Nabatid na nakainom ng alak ang suspek nang mangyari ang aksidente.

Nag-oovertake ang kotse sa kasunod nitong van subalit nang pabalik na ito sa kanyang linya ay dito na nabangga ang likuran ng motorsiklo na sakay ang mga biktima.

Sa ngayon, sinampahan na sa piskalya ang suspek na si Gamiao at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide and Damage to Property. Rey Velasco

Previous articleSekyu timbog sa pagnanakaw sa estudyanteng Vietnamese
Next articleBoac cemetery dinagsa ng mga tao, pinakamarami mula 2020