Magkasintahan, biktima ng summary execution sa Cebu

Magkasintahan, biktima ng summary execution sa Cebu

July 28, 2018 @ 2:36 PM 3 years ago


Cebu – Palaisipan pa rin sa pulisya ang pagkamatay ng dalawang magkasintahan na natagpuan sa bayan ng Liloan, Cebu.

Kapwa may tama ng dalawang bala ng baril sa kanilang ulo at katawan ang 16-anyos na menor de edad na babae at kalaguyo nitong si Stephen Del Corro, 27.

Natagpuan ang mga biktima sa magkahiwalay na lugar sa Barangay San Roque.

Pero ayon kay Police Chief Supt. Debold Menoris Sinas, director ng Police Regional Office (PRO) 7, hindi malayong sindikato ng droga ang pumatay sa magkasintahan.

Sa paunang imbestigasyon, dalawang motibo ang tinutukan ng pulisya gaya ng “lover’s quarrel” at ang posibilidad na pagkakasangkot ni Del Corro sa isang fraternity.

Pero iginiit ni Sinas na inalis na nila ang dalawang motibong ito at tinutukan ang pagkakasangkot ng isang drug syndicate sa nasabing krimen.

Nilinaw naman ng pulisya na wala sa drug watchlist ang magkasintahan. (Jeff Gallos)