Magkasintahan kulong sa shabu

Magkasintahan kulong sa shabu

January 11, 2023 @ 10:21 AM 3 weeks ago


SANTIAGO CITY- Kulungan ang kinabagsakan ng magkasintahan matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy bust operation, iniulat kahapon, Enero 10 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na sina Nester Nolasco, 28 anyos, vendor at nobya nitong si Christine, 18 anyos, estudyante at kapwa residente ng Victory Norte, Santiago City.

Batay sa report ng Santiago City Police Office Station 3, nahuli ang mga suspek sa isang motel sa Barangay Mabini, Santiago City.

Nakuha sa mga suspek ang isang pekete na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ng buy-bust money ng operatiba.

Sinabi ng pulisya, nakulong noong 2018 si Nolasco na may kinalaman sa kasong illegal drugs at nakalaya lamang ito sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magkasintahan. Mary Anne Sapico