Magkasintahan patay sa lumipad na motorsiklo

Magkasintahan patay sa lumipad na motorsiklo

April 17, 2022 @ 1:48 PM 2 months ago


BATAC CITY- Basagcang bungo ng magkasintahan makaraang tumilapon ang mga ito sa sinasakyan nilang motorsiklo Biyernes ng hapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Lord Belman Reyes, 26, at kasintahan nito na si Henna Lorie Rosario, pawang mga residente ng San Juan, Ilocos Sur.

Ayon kay PMaj. Dionisio Baldillo, deputy chief of police ng PNP-Batac, naganap ang insidente sa Batac Road, sakop ng Brgy. Bil-loca Batac City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng magkasintahan ang naturang lugar patungong hilagang direksyon .

Kuwento ng mga saksi mabilis ang patakbo ng motorsiklo ng biglang nahulog ang bag sa harapan bahagi ng motorsiklo.

Dito, nawalan ng kontrol sa manibela si Reyes at sumemplang ang mga ito dahilan para tumilapon sa sementadong kalsada ang dalawa.

Sa lakas ng pagkakabagsak, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang magkasintahan na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan. Mary Anne Sapico