Magkasintahan patay sa pananambang

Magkasintahan patay sa pananambang

July 23, 2021 @ 4:58 PM 6 months ago


KORONADAL CITY- TEPOK ang isang kawatan at karelasyon nitong bading matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rodel Sagun, 21, ex-convict sa kasong pagnanakaw at karelasyon nitong si Bryan Gallan, 30, manikurista at kapwa ng Brgy Gapok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Batay sa report ng Sultan Kudarat PNP, naganap ang krimen bandang 7:00 PM sa Purok Silangan, Brgy. Caloocan, Koronadal City.

 Lumabas sa imbestigasyon, kasalukuyan nasa boarding house ang dalawa sa nasabing lugar nang biglang dumating ang tatlong kalalakihan.

Dito, pinagbabaril ang mga biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Nabatid na kalalabas lamang ng kulungan ni Sagun sa kasong pagnanakaw.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang tunay na motibo sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico