Magkasintahan topnotcher sa Mechanical Engineers Licensure Examination

Magkasintahan topnotcher sa Mechanical Engineers Licensure Examination

March 6, 2023 @ 7:14 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakuha ng isang magkasintahan mula sa Rizal Technological University (RTU), na nagtapos din ng cum laude, ang 1st at 6th spot sa February 2023 Mechanical Engineers Licensure Examination.

Nakakuha ang topnotcher na si Reynell Villanueva Sanchez ng 94.90 percent rating habang ang kanyang kasintahan na si Eunice Durango Santiago ay nakakuha ng 93.25 percent score.

Sinabi ni Sanchez na madalas nilang inaaral ng kanyang kasintahan ang mga paksa kung saan sila nahihirapan.

Bukod dito, kanila aniyang tinitingnan ang mga paraan ng bawat isa sa paglutas ng mga problema upang makapili ng mas madaling paraan upang ito ay masagot.

“For 6 months we did our best, we witness each others hardships, struggles, sleepless nights and determination, it was all fulfilling. There were maybe times that we were tired, sick and sometimes that we want to give up. But with each other we surpass those, especially for me, you became my strength to work hard more,” aniya sa Facebook post.

Payo ng topnotcher couple para sa mga naghahangad ding makapasa sa kanilang Licensure exams, walang imposible kung tututukan ang isang bagay at gagawin ang makakaya upang makamit ito.

Noong nakaraang Marso 2, inihayag ng Professional Regulation Commission na 3,774 sa 6,070 ang matagumpay na nakapasa sa Mechanical Engineers Licensure Exam na ibinigay ng Board of Mechanical Engineering sa National Capital Region, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, at Zamboanga. Jocelyn Tabangcura-Domenden