Magkatukayong noturyos na akyat-bahay, laglag sa Bulacan hot pursuit ops!

Magkatukayong noturyos na akyat-bahay, laglag sa Bulacan hot pursuit ops!

July 7, 2022 @ 4:30 PM 1 month ago


Bulacan- Arestado ang dalawang lalaking magkapangalan na umanoy miyembro ng noturyos na akyat bahay gang matapos magnakaw sa isang subdibisyon sa lungsod ng Malolos.

Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Julius Ryan Lobordino, 23, residente ng Brgy.Bangkal at Julius Ryan Marangan Ignacio, 20, ng Guiguinto.

Sa report ng Malolos police,isang tawag ang kanilang natanggap na may nangyaring nakawan bandang ala-1 ng madaling araw nitong Hulyo 5 sa isang subdibisyon sa Brgy. Sumapang Matanda.

Dahil dito agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis at tanod ng Brgy. Bangkal kaya nahuli ang mga suspek.

Nabawi ng mg awtoridad ang ilang gamit na nakuha ng mga suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.

Sinasabing ang mga suspek ay may dati ng kaso ng pagnanakaw. Dick Mirasol III