Maglola patay sa sunog sa Caloocan

Maglola patay sa sunog sa Caloocan

July 25, 2021 @ 4:39 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Patay ang isang 95-anyos na lola maging  ang apo nitong lalaki  matapos makulong sa nasusunog nilang stall sa loob ng isang pamilihan dis oras ng gabi sa Caloocan city.

Si Lola Pacita Demagos ay mag-isang nasaloob ng kanyang stall sa isang public market sa camarin nang maghsimulang sumiklab ang apoy alas-12 ng hatinggabi.

At  habang nilalamon ng apoy ang tindahan ni dermagos, dumating ang apo nitong si edwin mendoza , 26 upang iligtas ang kanyang lola subalit maging ito ay hindi nakaligtas at di na rin nakalabas ng lugar dahil sa kakapalan ng usok  na ibinubuga  mula sa  mga nasusunog na linoleum na kanilang ibinibenta.

Ayon sa bureau of tire protectyion, umabot sa ikalawang alarma ang nasabing sunog at tumagal ito ngmahigit sa 1 oras.

Kapwa bangkay na lamgn nang matagpuan ang maglola mula sa naabong pamilihan.

Lagpas ala-1 na ng madaling araw nang tuluyang maapula ang apoy rito..

Patuloy ang isinasagawang pagsusuri ng mga pamatay sunog ukol sa  sanhi at naging pinsala ng naganap na sunog. Merly Iral


  •  
  •  
  •