Magna carta for PH seafarers aprub na sa House panel
February 10, 2023 @ 8:44 AM
2 months ago
Views: 307
Remate Online2023-02-10T06:50:32+08:00
MANILA, Philippines – Aprubado na ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang panukalang Magna Carta para sa Filipino Seafarers.
Bago maaprubahan ay gumawa pa ng last minute na mga pagbabago ang miyembro ng komite sa consolidated substitute bill, kasabay ng pag-apruba ng committee report.
Kabilang sa mga idinagdag ay ang pagsasama ng women seafarers sa declarasyon ng polisiya, five- year mandatory review sa implementasyon
nito ng congressional oversight, pagsama sa Department of Labor and Employment sa pagbuo ng implementing rules and regulations, paglalagay ng period for validation at payment of seafarers, pagbuo ng “tambayan” para sa mga seafarers ng Overseas Workers Welfare Administration, kabilang ang Department of Migrant Workers bilang regular na miyembro ng MARINA (Maritime Industry Authority) Board, at ang pagdidiin ng exemptions para sa lehitimong mga labor organization.
Sakop ng panukalang batas ang mga marinong Pinoy na nagtatrabaho sa foreign-registered ships at Philippine-registered ships.
Mayroon din na probisyon ang proposed magna carta para sa karapatan ng mga seafarer, duties of seafarers; medical certificate; medical care on board ships and ashore; settlement of disputes; at women in the maritime industry.
Binibigyan mandato rin ng panukala ang DMW at MARINA na tutukan ang
registry ng lahat ng seafarers sa bansa.
“This is the culmination of our hard work over the past few months, listening with various stakeholders to create a bill that is holistic and responsive to the needs of our seafarers and concerns of the maritime sector,” sinabi ni House Committee on Overseas Workers Affairs chair at Kabayan Partylist Representative Ron Salo.
“The substitute bill addresses the perennial problem of the maritime higher educational institutions’ (MHEI) lack of training ships and the difficulty of our cadets to complete their shipboard training by requiring registered shipowners to accept cadets, and for MHEIs to enter into an agreement with the shipowners for the shipboard training of our cadets,” paliwanag pa niya.
“This will also address the recent findings of the European Maritime Safety Association (EMSA) on our country’s compliance with the International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW Convention),” pagpapatuloy nito.
“Further, the magna carta adopts measures to ensure that our maritime education curriculum follows international standards.”
Nagbibigay regulasyon din ang panukalang batas na ito sa pagsingil ng training fees sa mga kadete.
“To provide for more domestic employment opportunities, Section 61 of the substitute Magna Carta also provides the establishment of non-degree courses on maritime education and training, and allows such non-degree holders to undergo shipboard training, for purposes of employment in the domestic seafaring industry,” dagdag pa ni Salo.
“This Magna Carta will go a long way in solving a myriad of issues with the Philippine maritime sector. I would like to congratulate all the authors, committee members, government agencies, and all stakeholders for their active participation and support. And of course to the House leadership, Speaker Martin Romualdez, for making this bill a priority, ” aniya.
“With everyone’s support, especially the vital inputs and recommendations in fine-tuning the provisions of the bill, we are confident that we have a well-crafted and balanced Magna Carta of Filipino Seafarers that our seafarers and the whole maritime sector will be proud of,” pagtatapos ni Salo.
Pinuri naman ni Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas ang panukalang ito, sa kabila ng napuna niya sa isang probisyon.
“Mr. Chair, we take note of the efforts to include the application of pertinent provisions such as seafarers’ rights for domestic seafarers, the mandating of minimum hiring of cadets in passenger and cargo ships, and the regulation of fees by maritime schools. We had hoped that the final version would have also included the application of standards of employment for domestic seafarers, except the fixed employment contracts. Nevertheless, this measure is a step forward,” ani Brosas.
“Except for Section 50, Mr. Chair, regarding the depositing of the contested amount in escrow is a big red-flag. This overturns the hard-fought battle of seafarers for their claims. Kawawa ang mga marino natin nito, Mr. Chair. The ruling of the NLRC commissioners should suffice for the awarding of benefits and claims. Why should we let seafarers suffer for any potential error in judgment by the commissioners?” dagdag niya.
Ipinasa na sa plenary session ang naturang panukala upang busisiin ng buong Kamara. RNT/JGC
March 28, 2023 @4:00 PM
Views: 10
MANILA, Philippines- Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang ginawang pagtanggi o pagbasura ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na isuspinde ang imbestigasyon sa drug war ng administrasyong Duterte ay pahiwatig o pagpapakita na ang judicial system sa bansa ay masama.
Sinabi ni Guevara, na magkakaroon ng “serious and far-reaching consequences” ang nasabing ruling sa Pilipinas.
“It places us in the same class of rogue nations where the rule of law is not respected,” ang sinabi ni Guevarra sa isang panayam bilang reaksyon sa naging desisyon ng ICC Appeals Chamber.
“It is an indictment against our entire legal and judicial system, and it encroaches on our sovereignty as an independent and law-abiding nation,” dagdag na pahayag nito.
“It tends to humiliate us in the eyes of the international community, and this affront is irreversible and incorrectible even if we eventually win on the merits of our appeal,” aniya pa rin.
Dahil dito, sinabi ni Guevarra na ang Pilipinas ay hindi “legally at morally bound” para makipagtulungan sa ICC.
Sa pagtaggi sa apela ng Pilipinas, sinabi ng ICC Appeals Chamber na nabigo ang gobyerno na ipaliwanag ang “lack of jurisdiction” ng korte o nabigong magbigay ng paliwanag ukol sa implikasyon at saklaw ng imbestigasyon.
Tinukoy din nito na ang local investigation ay maaaring magpatuloy kahit pa nagpapatuloy ang ICC investigation.
Nauna rito, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi maaaring pumasok ang ICC sa Pilipinas para imbestigahan ang war on drugs at magpatupad ng ibang rule of law.
Tinuligsa rin ng Kalihim ang desisyon ng ICC na muling buksan ang imbestigasyon sa United Nations Human Rights Council, sabay sabing “unjustified external interference rarely serves human rights.” Kris Jose
March 28, 2023 @3:48 PM
Views: 9
MANILA, Philippines- Nagpakawala ang Russia navy ng supersonic anti-ship missiles sa isang mock target sa Sea of Japan, ayon sa Russian defense ministry nitong Martes.
“In the waters of the Sea of Japan, missile ships of the Pacific Fleet fired Moskit cruise missiles at a mock enemy sea target,” pahayag nito sa Telegram account.
“The target, located at a distance of about 100 kilometers (62.14 miles), was successfully hit by a direct hit from two Moskit cruise missiles.”
Ang P-270 Moskit missile, na may NATO reporting name o SS-N-22 Sunburn, ay isang medium-range supersonic cruise missile mula sa Soviet, na kayang sumira ng barko na may layo hanggang 120 km (75 miles).
Ito ay kasunod ng paglipad ng dalawang Russian strategic bomber planes, kayang kumarga ng nuclear weapons, sa Sea of Japan sa loob ng mahigit pitong oras na ayon sa Moscow ay isang “planned flight”. RNT/SA
March 28, 2023 @3:43 PM
Views: 13
MANILA, Philippines- Isang British national na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) at tatlong iba pa ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng Nomo Mall Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang mga naaresto na si Nathan Colquhoun, 47, isang British national, nasa gustong gulang at nasa listahan ng HVI, John Edric Kintana, alias Tol, 22, Shicille Delos Santos, 39 at John Jacob Kintanar,nasa listahan ng Street Level Individual (SLI).
Ayon sa report, dakong alas-9 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor City Police sa parking lot ng NOMO Mall sa Brgy San Nicolas 1, Bacoor City na nagresulta sa pagka aresto sa mga suspek at pagkakarekober ng tinatayang 20 gramo ng marijuana , pouch at buy bust money.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Sec. 5, 26 at 11 Art II ng RA 9165 ang mga naarestong suspek. Margie Bautista
March 28, 2023 @3:36 PM
Views: 18
MANILA, Philippines- Suspendido ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) mula April 6 hanggang 9 sa paggunita ng Mahal na Araw pati na ang gagawing pagsasaayos sa mga tren at riles.
Sinabi ng PNR na ang operasyon ng tren ay magbabalik sa April 10.
Ayon pa sa pamunuan ng PNR, may train operation mula April 1, Sabado hanggang April 5, Holy Wednesday.
Magde-deploy naman ng maraming personnel sa mga pasilidad ng PNR upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng operasyon. Maglalagay din ng help desk sa bawat istasyon.
Magtatalaga rin ng nurse sa PNR Tutuban Clinic para sumuri ng blood pressure at magbigay ng first aid sa mga mangangailangang pasahero.
Magpapakalat din ng quick response teams sa Manila, Laguna, Lucena, at Naga sakaling may emergency .
Samantala, sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang mga paliparan nito ay nasa heightened alert mula Abril 2 hanggang Abril 10, habang nakahanda na rin ang airport safety at security measures. Jocelyn Tabangcura-Domenden
March 28, 2023 @3:28 PM
Views: 10
MANILA- Nagpakitang-gilas ang Filipino import na si Bryan Bagunas para pangunahan ang Win Streak sa titulo sa 2023 Top League sa Taiwan noong Lunes sa National Taiwan University Sports Center.
Bumagsak si Bagunas ng halimaw na performance, nagtapos na may 42 puntos na binuo sa napakaraming 39 na pag-atake kasabay ng dalawang block at isang service ace nang patalsikin ng Win Streak ang pitong beses na kampeon na si Pingtung Taipower sa limang set, 19-25, 25-20, 18-25, 25 -21, 15-12.
Dahil sa panalo, ang 25-anyos na open spiker ang naging pangalawang Filipino volleyball player na nakakuha ng titulo sa ibang bansa matapos si Jaja Santiago at ang Ageo Medics ang namuno sa 2021 Japan V. League V Cup Championship.
Dati nang pinalakas ni Bagunas si Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japan, na umaangkop mula 2019 at 2022, habang kinakatawan din ang Pilipinas sa iba’t ibang internasyonal na kaganapan sa proseso. JC