Magna Carta for Rescue Workers bill itutulak sa Kamara

Magna Carta for Rescue Workers bill itutulak sa Kamara

October 30, 2022 @ 4:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang ihain sa Kamara ang panukalang naglalayon na  magtakda ng minimum wage at standard set ng mga benepisyo para sa rescue workers, ayon sa mambabatas nitong Sabado sa pananalasa ni bagyong Paeng sa 16 sa 17 rehiyon sa bansa.

Ihahain ang Magna Carta for Rescue Workers bill sa Kamara kapag nagbalik-sesyon na ito sa Nobyembre 7, ayon kay Malasakit@Bayanihan Party-list Rep. Anthony Rolando Golez Jr.

“Nakita po natin sa past disaster events in the country na nagbubuwis po ang mga… nagmamahal sa kanilang bayan na tumulong sa disaster efforts,” aniya sa isang virtual press briefing.

“We need to recognize these efforts. We need to recognize their sacrifice,” sabi pa niya at iginiit na ang sahod at benepisyo ng rescue workers sa bansa ay magkakaiba.

Pino-proseso pa umano ni Golez ang pagbalangkas sa panukala at irerekomenda pa ang nararapat na halaga ng minimum wage para sa rescuers.

“It has to be reviewed first with other government agencies para may pantay-pantay na level o antas ang posisyon kada rescue worker,” sabi niya.

Magugunitang limang rescuers mula sa Bulacan ang namatay sa bayan ng San Miguel nitong nakaraang buwan habang hinahanap ang mga na-trap na residente sa kasagsagan ni bagyong karding. RNT/SA