Magna Carta para sa barangay, itinutulak sa Kamara

Magna Carta para sa barangay, itinutulak sa Kamara

January 10, 2023 @ 2:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang panukala na nagsusulong na magkaroon ng sariling Magna Carta ang mga barangay ang inihain sa Kamara, na naglalayon na palakasin at maging epektibo ang barangay officials sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Sa inihaing House Bill 228, iginiit ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang kahalagahan ng barangay bilang isang political unit.

“The importance of the barangay as a political unit should not be ignored. By the nature of their work, the safety and security of the barangay officials are always at risk,” nakasaad sa panukala.

Inihalimbawa nito ang laban kontra illegal drugs kung saan ang barangay officials ang madalas na nakaaalam kung sino ang sangkot sa kanilang lugar.

“It is the barangay officials who have the list of actual or possible drug peddlers and users in the community. It is these barangay officials who are the first in line when it comes to receiving reports of crimes. Sadly, despite the services that they render with the accompanying danger to themselves and their family members, barangay officials are a sorely neglected lot,” paliwanag ni Roman.

Sinabi ni Roman na sa kabila ng panganib na dala ng kanilang trabaho ay hindi akma ang natatanggap na benepisyo ng mga opisyal ng barangay kaya naman napapanahon na para magkaroon ito ng sariling charter.

Bukod sa pagkakaroon ng dagdag-benepisyo isinusulong din sa panukala ang pagkakaroon ng pasilidad para sa drinkable water, health centers, educational centers, paaralan at barangay halls.

Aniya, ang barangay at ang mga opisyal nito ang syang kauna unahang nagbibigay ng serbisyo at tinatakbuhan ng mga residente kaya naman mahalaga na ang mga pangangailangan nito ay maibigay.

Umaasa si Roman na agad maipapasa sa Kamara ang nasabing panukala na nakabinbin sa House Committee on Local Government. Gail Mendoza